Stories of Change


Nakinig sa amin si Ma’am

 June 21, 2018    

Isinulat ni Eldevina Natonio

 

Eldevina Amparo (Divine) is a PWD volunteer monitor for the project “Improving School Accessibility for PWDs using CheckMySchool Participatory Monitoring”. Supported by The Asia Foundation and the Australian Government’s Department of Foreign Affairs and Trade, this project aims to influence policies on accessibility of public schools for PWDs.

 

Divine wrote this story to bring to life PWDs’ issues and struggles because of the ineffective implementation of the Accessibility Law or Batasang Pambansa Bilang 344 in public schools. See English translation below.

 

 

Picture2 Isa sa mga PWD na mag-aaral na binisita nang volunteer monitor na si Eldevina Amaparo ay si John Rod Cipriaso.

 

KAWIT, Cavite–– May isang bata akong nakilala dahil sa aming pag-volunteer sa CheckMySchool monitoring ng PWD accessibility. Pumunta kami sa bahay ni John Rod Cipriaso upang ma-interview sya. Nalaman namin na dati siyang malusog na bata. Ngunit sa hindi malamang kadahilanan, unti-unting bumagsak ang kanyang katawan. Sa ngayon ay naging napakapayat na niya at hindi na makalakad.

 

Sa aming pag-iinterbyu, tinanong namin kung siya ba ay nahihirapan sa pagpasok sa paaralan. Ang sagot niya ay hindi. Ito raw ay dahil maraming kaibigan na tumutulong sakanya. Nalaman pa namin na kahit nasa ikalawang palapag ang kanyang silid-aralan, hindi siya nagrereklamo na nahihirapan. Sa paggamit ng comfort room, di rin nya alintana ang hirap kahit hindi maayos ang disenyo at sukat nito para sa PWDs batay sa Accessibility Law. Iyon ay dahil matulungin ang kanyang mga kaklase.

 

 

Picture1 Kasama ni Eldevina Natonio (gitna) ang iba pang volunteer monitors sa pagbisita sa mga paaralan sakanilang lugar.

 

Kinausap namin ang mga guro at principal ng paaralan ni John Rod tungkol sa sitwasyon. “Kami nga ang naaawa sa sitwasyon ni John Rod. Kaya lang, sa second floor talaga ang assignment ng grade level niya,” ang kanilang naging sagot. Natuwa naman silang malaman ang tungkol sa Accessibility Law na nagbibigay ng karapatan sa mga PWDs.

 

Nakakatuwa rin ang kanilang ipinangako. “Sige, more than willing kami na sundin ang nakasaad sa batas. Kaya simula ngayon, bababa na sa ground floor mula sa second floor ang classroom ni John Rod,” sabi ng guidance counselor.

 

POSTSCRIPT: Dahil ako ay isa ring barangay health worker, naisipan kong ilapit ang kondisyon ni John Rod sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mabigyan siya ng wheelchair. Idudulog ko rin siya sa health center para ma-check up. at mabigyan ng tamang gamot at nutrisyon.

 

 

Ma’am listened to us
Translated by Darlene Motil

 

I met John Rod Cipriaso, a PWD student, in the course of my work as a volunteer for CheckMyShool monitoring PWD accessibility. We paid him a visit in his home for an interview. We learned that he was once a healthy child but for an unknown reason, his health slowly deteriorated. John Rod is now a scrawny child, unable to walk.

 

During the interview, he shared to us that going to school have been easy for him even if his classroom is on the upper floor of the building. He also does not mind if the comfort room is unfavorable for a disabled person like him. That’s because he has a lot of friends and classmates who help him.

 

We talked to the principal and John Rod’s teachers as well. “We feel pity for John Rod’s situation, but unfortunately his grade level has been assigned on the second floor.” I discussed with them the Accessibility Law. They were glad to know that there is a law that promotes the rights of PWDs.

 

“We are more than willing to abide by the law. From now on, John Rod’s grade level will hold classes on the ground floor,” the guidance counselor promised.

 

 

POSTSCRIPT: As a barangay health worker, I sought help from the Department of Social Welfare and Development (DSWD) to provide a wheelchair for John Rod. I will also bring him to the health center for a thorough medical assessment and assistance.

 

 


If there’s any issue, problem or anything that you think needs improvement in your school, let us know if CMS can help. Go to  http://www.checkmyschool.org/cms-can-help/.

Facebook Twitter Google+ 0
 
 
Checkmyschool